Ang Pagtatapos

Papalapit na ang araw ng iyong pagtatapos
O kay bilis ng panahong animo’y umaagos;
Sa elementarya’y nasalok mo ang tagumpay
Alaala ng pagkabata’y kay hirap iwanan;
Mga natutunan nama’y sadyang mananatili
Tamis ng pag-aaral sa puso’y laging nakaukit.

Ikaw ba’y handa na sa panibagong bukas?
Huwag matakot! Harapin ito nang may buong lakas!
Sa high school nasasabik matanaw ang pangarap,
Ang simula ng buhay sa kinabukasan;
Makikilala ang sarili dulot ng karanasan
Karanasang magdudulot ng kaligayahan!

Ngayon ako’y bumabating may katapatan
Sa iyo’y sumasaludo sa husay na ipinamalas
Mabuhay ka! O mabuhay ang batang HECS!
Galing mo’y ipagpatuloy saan man pumaroon
Kailanma’y huwag susuko! Bagtasin mo ang daan
Tungo sa tumpak at tamang landas ng buhay.

Kaya’t ipahintulot mong sa iyo’y aking sambitin:
Hanapin ang paaralang may magandang adhikain
O halina! Halina mga Elementary Graduates
Sa Saint Anne’s Catholic High School… pandayin ang puso’t isipan!
Maging isang Annesian! Kilalanin si Santa Ana
Patronang gagabay sa iyo magpakailanman!

 

Leave a comment