Mabuhay Ka, Kuya Dino!

Dino

Noong ako ay nasa college at nag-aaral ng news writing at broadcast journalism, siya ang aking naging mentor kahit hindi pa siya Professor noon.

Dahil sa kanya at ni kuya Rommel, nagkaroon ako ng training sa isang actual radio production. Isa ako sa mga batang news anchor at reporter noon sa Sugod Bulacan at Sugod Kabataan radio program.

Dahil sa kanya, isa ako sa mga naging batang correspondent ng Mabuhay Community Newspaper sa Bulacan. At dahil sa kanya, nabigyan ako ng pagkakataong maging isang batang kolumnista.

Dahil sa kanya, marami pa akong natutunan sa journalism. Mula sa kanyang mga workshops hanggang sa pagdalaw ko paminsan-minsan sa kanilang tahanan o kaya naman ay ang simpleng pagkain naming dalawa sa Max’s restaurant, kapag kami ay nag-uusap, tiyak na marami akong napupulot na aral tungkol sa iba’t ibang isyu ng lipunan at kahit na mga personal na bagay.

Ang lahat ng ito ay isang alaala na lamang.

Paalam, kuya Dino. Mabuhay ka at ang iyong mga adhikain!

dino, herc, rommel

Ang mundo ng pamamahayag ay nagluluksa dahil sa iyong maagang paglisan. Pero mananatili buhay naman sa aming mga puso ang lahat ng iyong mga itinuro sa amin.

Salamat, salamat. Mahal ko po kayo.

Leave a comment