I witness the Same Old Problems

Since my college days, nanonood na ako ng I-Witness. It is the longest-running documentary TV program in the Philippines. Paborito ko ito mula sa mainstream media lalo na kapag gawang Howie Severino at Kara David.
 
Dumating sa point na naging case study ko sila sa aking undergraduate thesis noon (at nagkamit ng Best Thesis Award).
 
Pagdating sa mga dokumentaryo mas nakikita ko ang husay ng GMA, kahit na ako ay nagtatrabaho na sa ABS. Kaya naman pag may libreng oras, I do marathon (online) viewing of the episodes that I missed. 30 minutes lang naman bawat episode kaya mabilis panoorin.
I-witness
 
Pero may napansin ako.
 
Most of the problems and topics that I-Witness documented in the past years are the same struggles that the marginalized Filipinos encounter today.
 
2019 na pero may mga kuwento pa rin ng mga batang kailangang tumawid ng bundok, ilog, at dagat para lamang makapasok sa eskuwela dahil walang paaralan sa kanilang lugar.
 
2019 na pero may mga bata pa ring kailangang sumisid nang malalim sa karagatan para lamang makakuha ng mga lamang dagat na maaaring maibenta sa halip na naglalaro o nag-aaral.
 
2019 na pero kailangan pa rin ng halos isang araw na paglalakbay para lamang makapunta ng ospital kapag nagkakasakit.
 
2019 na pero may mga Pilipino pa ring salat sa basic necessities katulad ng pagkain, tubig, kuryente, at tirahan.
 
Paulit-ulit ang mga paghihirap na ito dahil hindi nabibigyan ng pansin ang ugat ng problema mula noon hanggang ngayon.
 
Sa mga mananalong kandidato ngayong Eleksyon, mula local at national government, sana’y sila naman ang maging prioridad at ‘wag nang hintayin ang panibagong dekada na ito pa rin ang problema.
 
Every human has the right to live with dignity. Kahit ang dignidad man lang na mabuhay nang matiwasay sana’y wag nating ipagkait sa mga Pilipino.
 
I’ve had enough. Higit sampung taon na kong nananood nito ganoon pa rin ang narrative. Ganoon pa rin ang Goal ng mga characters – ang makakain ang pamilya, ang makapag-aral na dapat sana ay normal na lang para sa isang “maunlad” na bansa.

Leave a comment