Ang Mensahe sa Likod ng Bandalismo

Totoong hindi maganda ang magdumi ng mga pader, pero di ba’t mas mali yata na mas mapansin natin ang bandalismo kaysa sa totoong mensahe nito?

Marahil ay may mas mahalagang mensahe na sadyang hindi pinapansin nang estado kaya kailangan magpapansin sa pamamagitan nang graffiti.

Nagtagumpay ang grupo, napansin natin ang kanilang graffiti.

Ngunit nabigo naman ang bayan. Sa halip na maging kritikal sa pasismo, imperyalismo, at neoliberalismo, hanggang surface level na lamang yata tayo.

Sa Visual Communication, isa sa mga pinag-uusapan namin sa klase ay ang Art of Seeing ni Aldous Huxley. He conveyed the idea that seeing clearly is mostly the result of thinking clearly:

The first stage of clear vision is to sense. Next step is to select a particular element from a visual array. The last stage in Huxley’s visual path is the most important – to perceive. That is you must try to make sense of what you select that requires sharper mental activity.

Sensing plus selecting plus perceiving equals seeing.

Unfortunately, hindi na tayo umaabot sa perceiving kaya ang mas napapansin natin ay ang maruming pintura sa halip na mensahe sa likod nito.

 

PS - Persona Non Grata

Image courtesy of ABS-CBN News

Leave a comment