MMFF: Maraming Magandang Filipino Films
Masarap manood ng mga pelikulang kalahok ngayon sa Metro Manila Film Festival 2016. Para sa akin, ibinabalik lamang ang dating anyo nito na pinagmulan din ng mga klasikong pelikula tulad ng Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976), Insiang (1976), Burlesk Queen (1977), Kisapmata (1981), Himala (1982), Karnal (1983) hanggang sa Jose Rizal (1998), Muro Ami (1999) Bagong Buwan (2001) at marami pang iba.
Noon pa man, marami nang magagandang Filipino Films bago pa man ito tuluyang nilunod ng labis na komersyalismo na ang tingin sa mga manonood ay may kakulangan sa film literacy. Ang Filipino audiences ay may kakayahan ding mag-isip at bumasa ng pelikula.
Kaya naman sa pagsuporta natin ngayon sa MMFF, maaaring magpatuloy ito hanggang sa makaipon muli tayo ng mga pelikulang masasabi nating cultural artifacts.
More than entertainment and political economic practices, films should be first and foremost a repository of history and identity of what a Filipino is. Films should not be canonized merely by their box-office success, but by its sincere representation of life itself. The business side of it serves as a reward.

***
