Sapagkat ang kanilang mga tinig ay dapat pakinggan. Sapagkat ang kanilang mga kalagayan ay dapat pansinin. Sapagkat ang kanilang mga karapatan ay dapat igalang.
Mga karapatang pantao. Sapagkat sila, katulad ko, katulad mo, ay isa ring TAO.
Taong nilikha ng Diyos sa kanyang wangis. Taong may pusong tumitibok upang mabuhay. Taong nakikipagsapalaran sa mundong di tiyak ang kapalaran.
Ang mga lirikong ito ay masasabi kong sandigan ng mga programa ng organisasyong DAKILA katulad na lamang ng paglulunsad ng HASIK Advocacy Filmmaking Seminar at Alab Short Film Competition of the Active Vista Human Rights Film Festival ngayong taon ng 2012.
December 10. International Human Rights Day. Kasabay din ang paggunita para sa taong ito ang 40th anniversary of the imposition of Martial Law sa Pilipinas. Isang alaalang hindi mo nanaising balikang muli.
Kaya naman ang ating mga kasama sa sining ng pelikula ay buong pusong nakikiisa sa patuloy na pakikibaka upang ipaglaban ang nararapat na kalayaan para sa kanyang bayan:
Kalayaan mula sa kaguluhan.
Kalayaan mula sa pandurukot.
Kalayaan mula sa pang-aalipin.
Kalayaan mula sa diskriminasyon.
Kalayaan mula sa kamangmangan.
Kalayaan mula sa pagkakasakit.
Kalayaan mula pagkatahimik.
Ms. Lenie Velasco (Executive Director, DAKILA)
Victor Villanueva (1st Prize Winner, Alab Short Film Competition 2012)
Katulad nila’y may nais din akong sabihin. Katulad nila’y may nais din akong ipaglaban. Katulad nila’y may imahe din akong nais ipakita upang makita, at patuloy na makita, ang katotohanan sa ating lipunan.
Ang aking maikling pelikulang “PIETA” ay finalist sa ALAB Special Youth Section of the Active Vista Human Rights Film Festival. Ito ay tungkol sa isang nanay na nangungulila sa kanyang mamamahayag na anak na pinaslang katulad ng 152 iba pa mula noong 1986.
FROM Active Vista’s Facebook:
Congratulations to the winners of the ALAB Short Film Competition Special Youth Section!
TOP 10
1. Richard Legaspi for Hunger Pangs
2. Marvin Gabas for Lunas
3. Joseph Vincent Suarez for El Sentimiento del maga Quieto (Zamboanga)
4. Karl Glenn Barit for Hanap Buhay Hanap
5. Robi Sarmiento for Inday
6. Adrielle Esteban for Tanglaw
7. Kristian Barrameda and Joanna Carla Ubaldo for World Ipis
9. Herwin Cabasal for Pieta
10.Efren Malabanan for Hulagpos
3rd Place
BJ by Donnie Sacueza
2nd Place
El Sentimiento del maga Quieto by Joseph Vincent Suarez
Grand Prize
Tanglaw by Adrielle Esteban









