Iskolar ng Pelikula

UPFI

Ngayon araw na ito, ika-14 ng Enero 2015, ako ay ganap nang “enrolled” sa postgraduate course na Master of Arts in Media Studies (Major in Film) sa University of the Philippines-Diliman kahit ang kahulugan nito ay ang aking paglisan sa Master of Development Communication mula sa UP Open University.

Hindi ko alam ang naghihintay na bukas sa akin dito sa UP Diliman, ngunit bilang “Iskolar ng Bayan” siguradong pagbubutihin ko ang aking pakikipagsapalaran sa pagtuklas at pagpanday ng karunungan at mga kakayahan sa larangan ng pelikula. Nais kong katulad ng dati ay samahan mo akong muli sa aking paglalakbay. At sa darating na tamang panahon, sabay nating aanihin ang tagumpay!

UP oblation

At katulad ng Oblasyon, ialay ko nawa ang aking buhay sa ikagagaling ng aking bayang sinilangan sa pamamagitan ng isang tapat at magiliw na paglilingkod sa kanya. Lahat tayo ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa lipunang ito, masaya ako sapagkat noon pa man ay nasumpungan ko na ang aking kapakinabangan sa mundong ibabaw sa gabay ng Panginoong Diyos.

(ang mga litrato sa itaas ay mula sa UPFI Facebook Page at wikipedia)

Leave a comment