
Bilang ako’y naging empleyado ng ABS-CBN sa larangan ng broadcasting at nasaksihan ang kanyang paglilingkod sa bayan sa mahabang panahon, hindi ako sumasang-ayon sa pagpapasara ng kumpanyang ito.
Ito ay pagyurak sa ating demokrasya at isang uri ng panunupil sa karapatan ng pamamahayag.
Malaki ang gampanin ng ABS-CBN kasama ang lahat ng mga media companies sa pagbibigay ng impormasyon sa panahon ng krisis na ito dulot ng COVID-19. Ang kanilang pagbabalita ay mahalaga para sa kaligtasan ng bawat Pilipino. Katulad ng mga nasa health sector, sila rin ay mga frontliners na sumusuong sa gitna ng pandemya maihatid lamang ang katotohanan sa ating mga tanahan.
Bilang isang guro ng Komunikasyon at Midya, isinusulong ko ang isang MALAYA at MAPAGPALAYANG pamamahayag!
Manatili tayong gising at mulat para sa bayan.
#NoToABSCBNShutDown
#DefendPressFreedom
#NoToMediaRepression