Ika’y muling yumapak sa paaralan
Handang humarap sa panibagong bukas;
Sa bawat paghakbang ay may umaakbay,
May umaalalay upang ‘di sumablay;
Guro’y natatanaw at kumakalinga,
Kabataan din nama’y maaasahan.
Ika’y kabataang hangad ay pinuno,
Kapwa kabataan ang siyang kaloob–
Siyang tulay sa pagyabong at paghubog
Gabay sa pagsulong; kabalikat mong lubos
Hangarin niya’y tunay na paglilingkod–
Nag-aalab na animo’y isang apoy!
Ika’y kabataang hangad ay liwanag…
At ang sulo’y nagsasabog ng pag-asa;
Lider-kabataan ay gawin mong tanglaw–
Sa paglalakbay kaylanma’y ‘di maliligaw;
Sa paglayag mo’y daraong sa tagumpay,
Ganap nang kakambal hanggang sa pagtanda.
Pagkakaisa’y nais pag-ibayuhin
Nang kapayapaa’y laging manatili;
Kami’y inyong samahan–magkapit-bisig,
At maghasik ng binhing walang pait!
Sa bandang huli’y damhin natin ang tamis,
Masdan ang bunga–sama-samang anihin!
Karapatan mo’y dapat pangalagaan
Imulat ang mga mata, huwag palilinlang;
Dinggin ang pintig ng pusong nauuhaw
At sa sarili’y h’wag magbingi-bingihan;
Maging matalino kaya’t mag-usisa,
Mag-isip. Sino’ng pagkakatiwalaan?
Itutuloy pa ba natin ang pagkayod?
Oo, TULOY PA! Tuloy pa ang pag-SULONG!
Sino’ng nagsasabing tayo ay hihinto?
Ang kapanatagan ay ‘di mauudlot!
At hatid niya’y tunay na paglilingkod…
At ito. Ito ang SERBISYONG TOTOO!
Mga kapatid at mga mag-aaral:
Nawa’y magtiwala sa mga subok na!
At mga bituwin pilit susungkitin
Para sa mahal naming kamag-aaral.
Mga ANNESIANS… TULOY PA ANG PAGSULONG!
Sa pagsulong dala-dala’y pagbabago!