Category Archives: Here, I Advocate ⚖️

Maglingkod. Magmalasakit. Manindigan.

Herwin Cabasal_1

Maglingkod.
Magmalasakit.
Manindigan.

Ito ang mga bagay na itinuro sa akin ng University of the Philippines Diliman. Ang dangal at talino sa anumang larangan ay inihahandog para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating bayan.

Taos-pusong pasasalamat sa iyo UP Naming Mahal, ikaw ang pamantasang nagmulat sa akin. Ikaw ang nagbukas sa aking mga mata upang makita ang realidad ng ating lipunan nang sa gayon ay magsulong ng adbokasiya ng pagbabago. Lahat ng ito ay nagmula sa pagpapanday mo sa aming katauhan, sa aming kaluluwa.

Ngayong araw na ito, ako ay pormal nang nagtatapos sa gradwadong kursong MASTER OF ARTS IN MEDIA STUDIES (FILM) mula sa UP College of Mass Communication/ UP CMC Graduate Studies Department/ UP Film Institute.

Ito rin ay isang pagbabalik-tanaw sa aking naging paglalakbay sa loob ng limang taon sa kolehiyong ito na nagtanim sa aking puso’s isipan na ang midya’t pelikula ay malaya at marapat lamang na maging mapagpalaya!

Maraming salamat sa aking pamilya, mga kaibigan at katrabaho sa patuloy na pagsuporta sa aking mga pangarap.

Isang pagsaludo naman para sa aking mga mahuhusay at magigiting na mga Propesor. Ngayong ako ay isang guro na rin, kayo po ang nagsisilbing inspirasyon sa akin sa mundo ng akademya.

Sa lahat ng bumubuo ng ating kolehiyo: mula sa mga ginagalang po naming Dean, GSD Chair, UPFI Director na gumabay sa amin, at mga staff na tumulong at tumugon sa aming mga pangangailangan sa pag-aaral, salamat po sa inyong lahat.

Sa aking mga naging kamag-aaral, salamat sa bawat araw na tayo ay nagkasama at nagbahagi ng mga makabuluhang diskusyon at diskurso.

Special mention naman para sa aking Thesis Panel: Dr. Rolando Tolentino, Dr. Diosa Labiste at Prof. Nick Deocampo (adviser), maraming salamat sa pagtitiwala at pagbibigay liwanag sa aking mga pagsasaliksik.

Higit sa lahat, salamat aming Panginoon! Sa Iyo ang lahat ng parangal at papuri.

Bilang alagad ng komunikasyon, midya, at pelikula, ako ay hahayo’t itatanghal ang giting at tapang ng mga iskolar at pag-asa ng bayan.

Padayon, class of 2020!
Sa iyo Pilipinas inaalay namin ang SABLAY NG TAGUMPAY!


HERWIN BENEDICTOS CABASAL
MA in Media Studies (Film)
University of the Philippines Diliman

#Sablay2020
#109th
#IskolarNgBayan

🎥✊🏽🌻