Category Archives: Here, I Advocate ⚖️

I Stand with ABS-CBN

ABS-CBN

Ang ABS-CBN ay naging tahanan ko sa loob ng halos isang dekada. Pagka-graduate ko sa kursong Mass Communication – Broadcasting, ang kumpanyang ito ang nagbigay sa akin ng unang propesyonal na hanapbuhay sa larangan ng media.

Ngayon ay isa na akong guro ng komunikasyon, media, at pelikula sa mga mahuhusay na pamantasan. Malaking bahagi ng aking mga kaalaman at kakayahang ibinibahagi ko ngayon sa aking mga mag-aaral ay natutunan ko mismo sa kumpanya at industriyang ito.

Pero hindi ito tungkol sa akin.

Sa krisis na pinagdadaanan ngayon ng ABS-CBN, mas lalo kong napatunayan ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng aming napiling propesyon sa ating lipunan.

Ang pasistang pamahalaan lamang ang siyang gagawin ang lahat para patahimikin ang kanilang mga kritiko, kasama na rito ang karapatan sa pamamahayag. Ang pagpapasara sa anumang institusyon ng media (mapa-mainstream man o alternatibo) ay isang banta ng diktadurya. Isa itong paraan upang mas lalong mapaigting ang mga dominanteng istruktura ng kapangyarihan sa pamahalaan.

Never again.

Walang lugar ang pasismo at naghaharing politikal na ideolohiya sa bansang ito.

#NoToABSCBNShutdown
#IStandwithABSCBN