Category Archives: Here, I Rise ☀️

Sino ang aking Pangulo?

PHILIPPINES-VOTE
Philippines presidential candidates (L-R) vice President Jejomar Binay, Senator Mirrian Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senator Grace Poe, and Mar Roxas stand in a podium as they participate in a debate held in Cagayan de Oro, southern Philippines on February 21, 2016. The Philippines five main presidential candidates faced off for the first time Sunday, vowing to fight poverty and crime if they are selected to succeed President Benigno Aquino. / AFP / pool / lyn rillon (Image from Rappler)

Pagkatapos kong manood ng Pilipinas Debates 2016 kanina sa GMA 7, naisip kong ikumpara sila sa ilang TEORYA na sa tingin ko ay akma sa bawat kandidato.

Ito rin ang ginawa kong huling basehan upang makapili ng aking bagong Pangulo:

Si Mar Roxas ay mula sa MYTHOLOGIES ni Roland Barthes. Naniniwala sa Tuwid Na Daan pero alam nating ito’y isang mito lamang.

Si Jejomar Binay ay mula sa SOCIETY OF THE SPECTACLE ni Guy Debord. Bilib na bilib at ipinagmamalaki ang ganda ng Makati pero ang totoo ay mga Ayala ang nagpaunlad. Mula sa isang Marxist na pananaw, false consciousness ito para sa kanya at isang malaking mass deception ang ginagawa nya sa ating mga kababayan.

Si Rodrigo Duterte ay mula sa PANOPTICISM ni Michel Foucault (o kaya naman ay Panopticon ni Jeremy Bentham). Naniniwala siyang makikita niya ang bawat kilos ng lahat ng Pilipino at sa loob ng 3 to 6 months ay masusugpo na niya ang kriminalidad sa bansa.

Si Grace Poe ay mula sa ENLIGHTENMENT ni Immanuel Kant. Kahit sandali pa lamang sa Senado, mukhang naliwanagan na sa mga problema ng bansa. May sariling pagkakaunawa.

Si Miriam Defensor-Santiago ay mula sa SEMIOTIC THEORY ni Ferdinand de Saussure. She knows how to read signs. Alam niyang basahin ang totoong pakay ng Amerika sa ating bansa. At idagdag na rin natin ang AESTHETIC THEORY ni Theodor Adorno. Kung ang Pilipinas ay isang sining, alam niya ang “truth-content” nito.

Miriam Defensor-Santiago at Pilipinas Debates 2016

(Image from Philippine Star)

Ngayon, sino ang aking Pangulo?

Doon ako sa taong hindi lamang marunong mag ENCODING, pero may kakayahang mag DECODING mula kay Stuart Hall. Someone who knows how to interpret the meanings of “text” based on his/her collective experiences and political will.

Si Miriam Defensor-Santiago ang aking Pangulo.