Category Archives: Here, I Advocate ⚖️

May Hamon ang Panahon at Kasaysayan

May hamon ang panahon at kasaysayan.

Ang mga guro at mag-aaral mula sa FEU Department of Communication ay magpapatuloy sa pagsasabuhay ng aming pilosopiyang “may alam, may pakialam.” 

May alam sa kahusayan, karunungan, at mga prinsipyong dapat taglayin ng isang indibidwal at propesyunal sa larangan ng Komunikasyon, Midya, at Pelikula. 

May pakialam sa kinabukasan ng bayan sa pamamagitan ng pagsusulong sa mga adbokasiyang nagpapahayag ng katotohanan, naghahanap ng katarungan, at nagpapaigting sa kalayaan. 

Naninindigan kami na makakamit lamang ang tunay na pagkakaisa kung ang bawat isa sa atin ay magiging mapagmatyag, mapanuri, at masigasig sa pagtataguyod ng isang bayang may pagpapahalaga sa karapatan at dignidad ng buhay. 

Ito ang tatak Comm ng FEU, mula noon hanggang ngayon. 

Lalo na ngayon. 

At sa darating na mga bukas. 

May hamon sa atin ang panahon at kasaysayan.

Pahayag ng FEU Department of Communication. Isinulat ni Herwin Cabasal, ika-12 ng Mayo, 2022.