Category Archives: Here, I Advocate ⚖️

Rosas ang Kulay ng Pag-asa

Maraming salamat, VP Leni Robredo! 

Muli mong binuhay ang pag-asa para sa mga Pilipino.

Ang pag-asang iyun ang magiging sandigan upang magpatuloy sa pagtindig.

Ipinagmamalaki kong kasama ako sa mahigit 14 milyong nagsusulong sa isang kulay rosas na bukas.

Tuloy lang sa aking buhay, at hangad na mas lalong paunlarin ang sarili. Tuloy lang sa paghandog ng munting ambag para sa bayan ayon sa kakayahan.

“Walang nasayang, hindi tayo nabigo.”

Hindi ito isang pagtatapos, kundi simula pa lamang.

Saludo, Pilipino! 🌷